Philippines Flag
Rich DeVos and Eric & Patty Scheibeler
“Emerald” ng Tagapagtatag kasama ang bilyonaryong nagsimula ng Amway na si
Rich DeVos

Amway – Isang gawang Amerikano na pagdaraya

Ang pangalan ko po ay Eric Scheibeler. Dahil binabasa mo ito, ang palagay ko may pagkakapareho tayo. Ako ay sumanib sa negosyo ng Amway sa Amerika at nagubos ng halos isang dekada sa pagpapalaki ng negosyong Amway sa buong mundo hanggang maabot ang antas na “Emerald” ng Tagapagtatag. Ang mga prinsipyo ng negosyo na ibinigay ay tila baga mabuti at ang integridad ng mga tao sa paligid ko ay tila baga nasa pinakamataas na antas. Gumugol ako ng personal na oras kay Rich DeVos at nagtrabaho ng diretso sa bagong presidente ng IBOAI and doble Diyamante na si Fred Harteis. Nasa ganito kalagayan, bilang dating Auditor Federal, ng sawing-palad na matuklasan at dinukomento ko ang bilyon-bilyon dolyares na pagdaraya sa mamimili sa internasyonal na negosyo ng Amway. Ang buhay ko at ng aking asawa at anak na lalaki ay binantaan, ngunit ako ay hindi natakot para tumahimik. Hindi tulad ng nagsama sa iyo, ako ay walang kikitain o malulugi kung ano man ang desisyon mo.  Pakiusap ko sa iyo basahin mo ang mga katotohanan sa ibaba at gumawa ka ng matalinong desisyon para sa pamilya mo.)

Ang gawang Amerikano na pagdaraya na ito ang tinatawag na “multi-level marketing (MLM) o Networking”.

Ito ay nangangako ng isang “opportunidad ng buhay “ o swerte sa pagaari ng isang negosyo sa bahay lamang. Ang katotohanan, ito ay lumikha ng pagkalugi pinansyal, nasayang na oras, nasirang karera, pagkabangkarota, pagsara ng negosyo at mga sirang pamilya sa buong mundo. Ang tunay na operasyon at ang mga masamang resultang pinansyal ay tinatago sa humingi nito.

Ang ibat-ibang taas ng pagtitinda o “multi-level marketing” ay masasabing legal sa maraming bansa, ngunit ang pinakamalaking kumpanya na halimbawa nito – ang mga nagtataguyod ng Amway, at ang mga “anak” nito tulad ng Quixtar, A2K, Amvio – at iba pa ay tumatakbo sa paraan na 99% ng mga tao na kinalap nila upang mamuhunan ay malulugi.

Sa ganitong kadahilanan, ang kumpanya na MLM tulad ng Amway/Quixtar ay dapat tratuhin na pandaraya sa mga mamimili, hindi mga “opportunidad.” Walang lehitimong negosyo na halos 99% ng mga naengganyo para mamuhunan ng pera ay MALULUGI.

Dahil ang panloloko ay palagian ginagamit para hikayatin ang mga tao na sumali sa programa na halos lahat ay malulugi, hindi ito dapat taratuhin na isang totoong negosyo. Dapat lang ito ay intindihin kung ano talaga ito – isang “pyramid” ng panggagantso. Ganito ito nagtatrabaho.

Limang pagdaraya

Ang limang pagdaraya na ginamit sa pagbitag sa mga mamimili  sa panloloko ng Amway.

Pagdaraya # 1: Kikita ka ng pera sa pagbebenta ng mga produkto sa pamilya mo, mga kaibigan at mga kapit bahay!

Ang mga tagapagtaguyod ng Amway at karamihan ng mga “MLM” na  kumpanya ay nagsasabi na nagaalok sila ng “pinakamalaking opportunidad sa negosyo” na ang pinapahayag nila ay base sa pagbebenta ng mga produkto. Ang  bawat isang ahente/imbestor/biktima ay sinabihan na siya ay magiging isang “independiente na may-ari ng isang negosyo” (IBO) na pwedeng bumili ng mga produkto na pakyawan ang presyo mula sa Amway/Quixtar, at pagkatapos ay kikita ng malaki sa pag-tingi nito sa pamilya, mga kaibigan at mga kapitbahay.

Ngunit sa kasawiang palad, ito ay hindi totoo. Halos walang isang tao ang totoong kumikita ng tunay na tubo mula sa pagbili ng mga produkto at ibenta ang mga ito sa publiko.  Bakit? Ang mga produkto ay ubod ng mahal. May mga kahalintulad na murang produkto na mabibili mo sa mga tindahan.

Pagdaraya #2: Maari kang kumita ng mga “bonus” mula sa mga produkto na binili ng pamilya mo, mga kaibigan at mga kapitbahay na nahikayat mo.

Kaya nga, papaano ba talaga ito ay nagpapatuloy samantalang kakaunti lamang na mga tao ang kumikita sa pagbebenta na patingi sa mga mamimili. Narito kung papano ang susunod na hakbang ng panloloko ay nagsisimula. Ang mga tagapagtaguyod ay nagsasabi sa mga bagong “IBOs” (imbestor) na sila ay kikita ng mas malaki kung may mahihikayat pa sila na mga bagong ahente o tagabenta sa programa. Ang bawat ahente ay pinapangakuan ng mga “bonus” galing sa mga binili ng mga bagong kasali o “recruit”. Karagdagan pa, ang bawat tao ay kikita ng mas maraming “bonus” kapag ang mga recruit nila ay nakakuha rin ng mga recruit naman nila. Ang bawat tao ay magkakapera sa mga “negosyo” ng maraming antas ng mga imbestor/bagong  kaanib.

Sa katotohanan, walang isa mang tao ang kikita ng malaking pera sa pagtitinda ng mga produkto na patingi na batayan, ang bawat tao ay hinihikayat na maghanap ng mga bagong kaanib o recruit sa negosyong ito. Sila ay tinuturuan na maging 100% matapat sa sarili nilang negosyo at nililinlang na maging isang malakas na taga-konsumo ng mas mahal na mga produkto na kanilang karaniwan na binibili. Ang pagbili ng mga produkto mula sa sarili mo ay hindi isang negosyo.

Ang mga bagong kaanib ay sinabihan na ang tunay na negosyo na kumikita ng malaking pera ay  manggagaling sa mga bagong patalang kaanib o recruit tulad nila. Kaya ang kita nila ay dadami. Kapag sila ay nakapaghikayat ng anim na tao at bawat isa kanila ay maghahanap ng apat lamang na bagong kaanib, bilang halimbawa, kung gayon ang tao na nasa itaas ay magkakaroon ng 30 katao sa ilalim niya at ang taong iyon ay tatanggap ng “bonus” sa bawat binili ng mga bagong kaanib. Ang numero ay hindi tumitigil doon. Ito ay patuloy, walang katapusan ito, iyon ang sabi nila . Ang bagong 24 kaanib ay maaring gumawa din ng paghihikayat ng mga kaanib, magdadala ng 144 na dagdag na recruit at tuloy-tuloy ito sa pagdami. Bagamat walang kaanib ang kikita ng malaki sa pagtitinda ng produkto na patingi na batayan, kikita sila ng malaki kung sila ay magkukumbinse ng mga bagong kaanib o recruit.

Tulad ng pag-angkin na ang pagtitinda ng mga produktong Amway na may tubo sa pamilya, mga kaibigan at mga kapit-bahay ay hindi totoo, ang pangako na lahat ay kayang makahanap ng mga bagong kaanib nasa ilalim mo o “downline” ay hindi rin totoo. Iilan lamang ang maaring nasa itaas na kung saan ang mga malalaking “bonus” ay binabayaran, habang ang karamihan ng mga tao ay nasa ibaba kung saan sila ay patuloy na mawawalan ng salapi. May ikalawang bahagi sa pagdaraya na ito. Upang ang mga tagabenta ay maging kuwalipikado sa pagtanggap ng mga bonus sa mga binili ng walang katapusan na “downline” o mga tao mo sa ibaba, sila ay sinabihan na dapat ituloy nila ang kanilang “100PV” o 100 personal na puntos sa pagbili ng produkto. Kaya nga, maraming tao ang patuloy na bumibili ng mahal na mga produkto bawat buwan habang sinusubukan nila na maghanap ng mga bagong kaanib sa organisasyon nila.

Ang kanilang puhunan ay patuloy na lumalaki bawat buwan na kasali sa programa. Ang pagkalugi ay patuloy din na lumalaki.

Pagdaraya  #3: Mas mataas ka sa organisasyon, mas malaki ang kita mo.

Ang Amway at iba pang katulad na mga panukala, ay gumagamit ng kumplikadong plano sa pag-suweldo. Kaunti lamang ang nakakaintindi kung papaano talaga gumagana ang planong-pagbayaran. Mas mataas ang antas mo sa akyatin, dapat mas malaki ang kita mo. Ang mga kota ng mga kaanib at laki ng mga binili ng grupo ay kailangan na umabot sa mas mataas na antas ng bonus na nasa 1,000, 2,500, 4,000 at 7,500 na puntos.  Kaya nga, maraming mga tao ang bumibili ng maraming produkto para lamang maabot ang mas mataas na antas. Maraming mga dating distribyutor ang nag-uulat na maraming produkto ng Amway ang kanilang binili tulad ng gamit sa pagluluto, “vacuum cleaners”, kosmetiko o kahon-kahon na mga bitamina ang itinatambak nila sa kanilang bahay dahil hindi nila maibenta. Sa ganitong paraan, ang susunod na antas ng bonus ay natamo nila.

Pagkatapos nito, may kasamang malaking kasayahan, ipinaparada sila sa mga entablado bilang “mga matagumpay na lider”. Sa kasawiang palad, ang kabayaran ay lalong tumaas kaysa sa mga bonus na natanggap. Lalong mas maraming kalugian.

Pagdaraya #4: Upang magtagumpay kailangan mo ng pagsasanay at pagganyak at kailangan makinig ka sa mga tao na nagtagumpay na sa programa.

Muli, isang maraming-antas ng pagdaraya ay itinataguyod. Ang mga kurso ng pagsasanay, seminar, ang mga libro, at “tapes” ay ubod ng mahal at ito ay lalong dumagdag sa mga kalugihan. Ang 99% na lakad na kalugihan ay hindi nagbabago. Ngunit, ang mas malaking pakagligaw ay ang pag-angkin na ang mga tao na siyang nagbibigay ng mga seminar at nagbebenta ng mga aklat ay “matagumpay” sa negosyo ng Amway at Quixtar. Hindi po ito too. Karamihan ng kinita nila ay nanggaling sa pagbebenta ng mga libro at  “tapes” at seminar! Ang mga libro at seminar ay hindi nakakatulong sa mga kaanib na maging matagumpay. Binibiyayaan lamang nila ang mga taong nagbebenta.

Ang mga bagong “Amway/Quixtar IBO” ay nagsisimula na may paniwala na ang mga tubo ay makukuha sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga produkto sa mga totoong mamimili.  Natuklasan nila na hindi ito kikita. Sa katunayan nga, kulang sa 20% ng lahat ng produkto ng Amway/Quixtar ay binili ng tunay na mga kustomer. Ang lahat ng mga natira ay binili lamang ng mga ahente o kaanib.

Pagkatapos, sila ay sinabihan na kailangan maglagay ng mas maraming puhunan sa pagsasanay at pagganyak na seminar, mga libro at “tapes”. Gumugol sila ng malaking halaga papunta sa mga seminar. Bumibili sila ng mga libro at “tapes” lingo-lingo. Ngunit wala pa rin tubo. Puro kalugihan lamang. Sinusubukan nila na makabawi sa pagkuha ng pera ng iba na malulugi din. Ngunit ito rin ay naging walang saysay. Ang pagkuha ng kita sa kalugihan ng maraming tao ay ibig sabihin marami kang hahabulin ng mga bagong kaanib o recruit. Hindi nila naiintindihan na mahigit sa 50% ng lahat ng kaanib ay umaayaw sa loob ng unang taon.  Sa laong madaling panahon, sila rin ay magiging kasama sa mga umayaw na.

Pagdaraya #5: Ang kahuli-hulihan na panloloko : Kung hindi ka nagtagumpay, kasalanan mo ito.

Ang bawat bagong kaanib o recruit ay sinabihan sa simula pa  na ang programa ay ang pinakamagaling na opportunidad para magnegosyo sa buong mundo. Ang mga lider sa seminar ay nagyabang ng kanilang mga mamahalin na relos, alahas at kotse. Pinagmamalaki nila ang kanilang magagandang bahay at nagkuwento pa ng pambihira na bakasyon, lahat ay kinita, kanilang maling pag-angkin, sa pamamagitan ng pagbenta ng mga produkto ng Amway. Mga kilalang politiko at lider ng relihiyon ay binabayaran  ng malaki para magsalita sa mga pagtitipon para mangalap ng mga kaanib, na binibigyan ang Amway ng endorso at basbas.

Kaya naman, kapag ang mga kaanib ay tuluyan na sumuko at tumigil na, nalugi ng lilo-libong dolyares, o higit pa, at mga ilang buwan o taon na pagsusumikap, marami ang naniwala sa sinabi sa kanila: kasalanan nila ito.

Sampung mga Katotohanan

Halos 99% ng mga tao na sumali sa Amway/Quixtar ay hindi kumita ng tubo. Ang mga kalugihan ay napakalaki kaya ang panloloko ito sa mamimili ay hindi maaring tawaging na “opportinudad na pangnegosyo.”

Upang makakuha ng mga tao para sumali sa isang panukala na MLM na halos lahat ay malulugi ay nangangailangan ng isang panloloko.

Ang mga tao sa itaas ay tinatago ang mga katotohanan sa mga kaanib tulad ng karaniwan na kita, ang totoong halaga ng pagnenegosyo, ang dami ng mga umaayaw, at magkano ang lahat na pera o bonus ang tinanggap nila. Hindi rin nila inihahayag ang pinanggalingan ng pera, na kamihan ay galling sa pagbenta ng mga material sa pagsasanay.

Kakaunti lamang sa mga produkto ng Amway ang talagang naibenta sa mamimili. Ang mga tao na bumili nito ay naniwala na puhunan ito sa isang opportunidad sa negosyo. Ang Amway na negosyo ay hindi isang “direct selling”, ito ay isang mapandaya na opportunidad na negosyo.

Mahigit sa 50% ng lahat ng tao na sumali sa Amway ay tumigil sa unang taon pa lamang. Ang pagsusumikap na kumita ng pera sa pangangalap ng mga kaanib o recruit ay tunay na isang matagal at magastos na gawain. Kapag ang isang tao ay nagsimula na buuin ang kanyang “downline” sila ay nasa ilalim na ng isang tao na may malaking “downline”. Kakaunti lamang ang talagang pwede sa itaas.

Ang kaunting tao sa itaas ng programa ay kumikita ng pera diretso mula sa mga kalugihan na tinamo ng lahat huling kaanib/imbestor.

Ang mga pagsasanay at paghimok na seminar, mga libro at “tapes” ay isang sekreto na pinapatakbo ng mga nasa taas na promoter ng panukala. Ang pagbili ng mga “tapes” at mga libro ay hindi nagpapataas ng tyansa ng isang tao maging matagumpay. Dagdag lamang ito sa mga kalugihan niya.

Ang mga tao na nagbebenta ng mga libro at “tapes” ay hindi nangangahulugan na matagumpay sa negosyo ng Amway/Quixtar.  Ang totoo, sila ay kumikita sa pamamagitan ng pagbenta ng mga materyal sa paghikayat ng mga kaanib. Ang mga pagmamalaki na sila ay matagumpay at ang negosyo ay isang malaking opportunidad ay isang kasinungalingan.

Ang mga panukala na maghikayat ng maghikayat ng maraming tao bawat taon, ngunit maari ring tumigil. Kaya ang panukala ay maaring magpatuloy sa maraming taon bago ito makakita ng iba pang lugar na may mga tao para mahikayat. Mas matagal itong magpapatuloy mas maraming tao na masasaktan.

Ang pangunahin dahilan kung bakit ang pamahalaan ng Estados Unidos ay hindi nag-iimbistiga sa ganitong mga panukala ng panloloko at hindi pantay na pagnenegosyo o pagpapatakbo ng isang panukalang “pyramid” ay dahil ang mga lider ng Amway ay nagbibigay ng malaking tulong sa mga pangangampanya ng mga politiko. Sa katotohanan, sila ay bumili ng kaligtasan sa pag-uusig. Hindi ibig sabihin nito na ang isang MLM na negosyo tulad ng Amway/Quixtar na hindi pa inuusig ng pamahalaan ay lehitimo o legal.

Para sa mga mapag-imbestiga na reporter ang ahensiya ng pamahalaan na nagbabalak suriin ang panloloko ng Amway.

Katotohanan – Ang isang opportunidad sa negosyo na may 99% pagkalugi ay hindi isang negosyo. Ito ay isang panloloko. Alam ng Amway sa nakalipas na 20 taon na ang halos lahat ng mga tao ay nahikayat dahil sa panloloko, dinaya at iniwanan na lugi. Ang mga biktima sa hindi mabilang na mga bansa ay tumawag at sumulat sa akin at nagiwan ng kanilang mga patotoo ng malaking kalugihan. Kunin mo ang mga katotohanan. Hilingi sa Amway ang isang listahan ng lahat na distributor na nahikayat sa nakalipas na dalawang taon. Pumili ng 100 na hindi sunod-sunod at suriin ang kanilang binayaran na buwis. Matutuklasan mo na halos 100% ay nalugi.

Katotohanan – Ang isang “direct selling” na negosyo na hindi nagbebenta sa karamihan ng mga produkto nito sa mga hindi distributor na siyang  tagagamit ay isang paglabag sa mga batas laban sa “pyramid” na panloloko. Ito ay isang illegal na “pyramid”,  na nagkukunwari ang daloy ng produkto raw ang negosyo, para itago ang katotohanan na ang pera ay simple lang na pinipiga doon sa mga nasa ibaba at ipinapasa sa itaas.

Sa aking karanasan, mas mababa pa sa 20% ng lahat ng mga produkto ang totoong naibenta sa mga mamimili.

Katotohanan – Ang Amway ay nagbibigay ng malaking bonus para sa mga distribyutor para ipakita na sila ay kumikita at ito ay isang legal na negosyo. Muli, ito ay usok lang ng pagkukubli, dahil halos lahat ng mga kasali ay nalugi pagkatapos magbayad ng kanilang “gastos pangnegosyo” at pagkatapos bumili ng mahal na mga produkto. Hinihigop nito ang mga gawain, talento at mga kayamanan ng isang bansa at pinapadala ito sa mga milyonaryong Amerikano.

Katotohanan – Ang mga mataas ng tagapamahala ng Amway ay alam may 20 taon na ang nakalipas, na ang mga distribyutor ay dinadaan sa mga taktika ng isang kulto. Ang mga mapanglamang na kultong taktika ay totoong-totoo at napaka- mapanganib. Halos mamatay ako dahil dito. Nakalulungkot, nakatanggap ako ng mga balita na 4 na distribyutor ay nagpakamatay kamakailan lamang. Ako ay kinausap ng ilang tao mula sa ibat-ibang bansa na humihingi ng tulong upang ang mga tao ay masaklolohan mula sa mga panganyak na kultong Amway/Quixtar. Mga dating distribyutor ay kinakailan na bumisita sa ibat-ibang sentro na tagapayo para matulungan. Ang kultong indokrinasyon ay nakaapekto sa mga tao na nakipag-alam  sa akin mula sa buong Europa, Canada, Estados Unidos at Australia.

Mga dapat gawin

Kung ikaw ay nadaya, ang pinakamagandang gawing mo ay magsampa ka ng reklamo sa local na pamahalaan. Ang isang grupo ng mga biktima ay mas malakas kaysa nag-iisa, kaya kausapin mo ang iba pa na nalugi sa panukala na ito. Ang pakikipagusap sa media ay kritikal.  Magsama ka ng mga dyarista, reporter at mga mamahayag sa telebisyon tungo sa mga pulong na paghihikayat at pagsasanay  ng Amway at isiwalat mo ang iyong istorya. Sabihan mo sila na puntahan ang “website” ko.

Ang buong pagdaraya ay dokumentado sa Ingles sa aking “website” - www.merchantsofdeception.com. May LIBRE na 300-pahina libro dito  na nagpapaliwanag ng lahat aspeto ng 20 taon kasaysayan ng pagdaraya at kultong taktika na ginamit. Pagpaumanhin mo ito ay salin pa lamang sa Ingles sa ngayon. Bilang isang Amerikano, pakisuyo na tanggapin po ninyo ang aking paumanhin sa isang kanser na sosyal at pinansyal na dinala sa lupain ninyo.

Eric Scheibeler